Monday, May 14, 2007

May 13 is Mother's day

myspace codes
Myspace Codes: MyNiceSpace.com


i love you so much mama....


________________________________

First time.....

May 14, 2007- National Election...and it was my first time to vote..hehe! =p iba pala yung feeling nung maging bahagi ka ng isa sa mga importanteng events sa ating bansa. Bakit nga ba sa tinagal-tagal ay ngayon lang ako nagka-interes bumoto? ewan ko...siguro noon wala akong pakialam...sa totoo lang totoo yun. Ang alam ko lang noon pumasok sa eskwela, mag-aral, manood ng tv, sine, humingi ng baon.. Ni wala nga kaong pakialam kung lubak-lubak ang dinadaanan ko, kung tumaas ang pamasahe, ang mga bilihin..etsetera, etsetera... Nakakahiya man ipangalandakan sa buong mundo na nagkainteres lang ako bumoto sa edad na bente-sais...Pero ang mahalaga naman natauhan na ako diba? na bilang Pilipino kailangnan natin maging bahagi ng ano mang pagbabago sa ating bansa, at bawat isa sa atin ay may karapatan na hindi dapat sayangin.

Thursday, May 03, 2007

Paghilom.....

Sa ngayon masasabi ko na tinatahak ko na ang daan papunta sa pagbangon....sa unti-unting paghilom ng sugat. Hindi pa man lubusang naghihilom subalit ramdam ko na unti-unting nababawasan ang kirot sa pagkawala ng isa sa pinaka-importanteng tao sa buhay ko. Hindi madali ang daang dinadaanan ko ngayon. May mga sandali na nadadapa parin ako at muling nananariwa ang sugat...ngunit sa tulong ng aking mapagmahal na pamilya at mga kaibigan, natututunan kong ngumiting muli at makalimot ng paunti-unti.....mabagal....pero alam kong makakarating din ako sa patutunguhan ko. Naniniwala ako na ang panahon ay may kakayahang makapagpagaling ng sugat...at kasabay ng paghilom ng bawat sugat ay ang mga aral na dapat matutunan...